Napasama naman ako sa grupo na ito dahil sa isang boot camp na pinag- auditionan ko,isang non goverment organization, ang TeachPeaceBuildPeaceMovement, na ang founder ay si ate Honey (Bai-Rohaniza Sumndad-Usman),nag audition ako sa kanila dahil naghahanap sila ng singer songwriter na pwedeng mag promote ng peace through music,at nakapasa naman ako sa audition at napasama sa boot camp,madami akong natutunan sa boot camp na yun at nainspire ako gumawa ng mga kanta patungkol sa kapayapaan,syempre masarap mabuhay ng mapayapa sa mundo,naging mentor namin jan si kuya Rj Jimenez kilala nyo sya hindi ako magkakamali (miss kita pag tuesday)ano kilala mo tol?sabi ko sayo eh,syempre madami kami natutunan sa kanya ,Pinoy Dream Academy ba naman sila yung first scholars kasbay nya si Yeng constantino!at yun naexperience ko makatugtog sa mga kilalang hotel katulad ng Manila Peninsula,Robinsons Square ba yun?basta yun na yun,napag gig nadin kami sa araneta ,kaso sa labas nga lang pero ok lang ibang level yun basta Araneta coleseium, napuno kasi yung loob kaya lumabas nalang kame hahahah,.,
Madame pa ako natugtugan na lugar kasama sila kaya sobrang pasalamat ko at napasama ako sa grupo na yan,nakakatulong kana sa pagpapalaganap ng kapayapaan,naririnig pa ng mga tao yung nilikha kong mga kanta at makabuluhan yun para sakin! kahit may times na parang ang hirap hanapin ng kapayapaan sa mundong ito,pero sa puso mo mas pipiliin mo mabuhay ng mapayapa.
At kung ikaw din ay kagaya ko na may pangarap kasama ang musika, o nangangarap kaman para sa magandang bukas ng iyong pamilya! wag kang mapapagod,wag kang susuko, tuloy lang ang buhay! hanggang hindi natin nararating yung tuktok ng bundok na inaasam nating marating, unti-unti makakapunta din tayo sa taas!
At kung ikaw din ay kagaya ko na may pangarap kasama ang musika, o nangangarap kaman para sa magandang bukas ng iyong pamilya! wag kang mapapagod,wag kang susuko, tuloy lang ang buhay! hanggang hindi natin nararating yung tuktok ng bundok na inaasam nating marating, unti-unti makakapunta din tayo sa taas!