Thursday, April 20, 2017

          At para sa pagpapatuloy ng sinimulan kong istorya itutuloy ko na hehe!game!
yun na nga nag start ako mag banda 3rd year high school ako nun,bandang barangay nag umpisa sa jamming jamming,kantahan sa mga inuman, bertdeyan,hangang sa naisipan namin sumali sa battle of the band samin awa ng Diyos nanalo naman kame tanda ko pa yung song na martilyo ni gloc 9 at mr.clay ni bamboo yung songs na kinanta namin,sobrang sarap sa pakiramdam kahit na maliit lang yung premyo.

Hanggang sa madami na nag invite samin sa mga birthday partys,okasyon katulad ng fiesta sa barabarangay,madalas ang libre syempre di bago sabi nga ng ibang musikero ganyan talaga sa una,tsaka hindi naman yun pera mahalaga ,ang mahalaga eh yung importante haha haha (joke)! syempre mahalaga yung makatugtog ka lang kasi yun ang gusto mong gawin!

                                          Tanda ko pa nga nun eh may isang barangay kame na natugtugan,
puro matatanda yung nag iinuman doon babae lalaki,eh wala na kame matugtog kasi nga puro oldies yung gusto nila ,nagtanong ako wala po ba kayong bagong kanta na pwede irequest?sabi nila sige meron kung alam daw namin yung BAKIT BAKIT BA NG SIAKOL!

Hahahahahhaha laughtrip naman kame sa isip isip ko bago?eh nagapang palang ako kanta na ata yun eh haha sige sige sige po alam namin yun hahah,anu ba yun napuntahan namin mukang napaghulian na makabagong henerasyon, ok naman nakaraos din naman .
Lumipas ang mga panahon nagpalit palit na ako ng banda,kasi yung drummer namin nun may asawa na noong mga panahon na yun syempre bc bisihan sya,pero nagkakajam pa naman kame ngayon,tapos nangarap ulit ako sabi ko gusto ko mas maraming tao makarinig ng tinig ko,gumawa naman ako ng youtube account,dun nag upload ako ng mga original songs ko yung ,ayun kahit papano may views naman haha atleast siguro malayo na nararating nung songs ko at kung sino sino nadin nakakadinig,yun ang mahalaga kahit amateur palang ako oh ikaw! ang mahalaga may nakakarinig ng kanta mo diba?tama ba ako tol?ok tama!haha....

No comments:

Post a Comment