Friday, April 21, 2017

Tatay mode OFW mode

Yan ang isa sa naging dahilan kung bakit ako nakarating sa mainit na lugar sa bansa ng arabyano!(saudi arabia) at syempre kailangan din na may mapatunayan ako sa  magulang ng partner ko ngayon at syempre para may pang gatas ang anak,kahit mahirap ,ok lang ginusto ko naman yun at wala akong pinagsisisihan.
 Nakaisang taon din ako dun grabe ang lamig dun hahahaha,bakit?kasi yung init given na yun sa saudi eh yung lamig matindi din yun tipong parang mas maskra ka na yelo?kahit walang snow,ok naman ang experience,at siguro nakagawa ako ng 3 songs dun sa saudi at dun ko din nabili yun gitara ko na ginagamit ko ngayon sa mga gig,,,pag uwe ko dito sa pinas ayun na ng makita ko na anak ko parang ayaw ko na lumayo sa kanilang mag-ina,kasi homesikin talaga ako tiniis ko lang talaga yung isang taon na yun sa saudi,yun tipong ang isang araw dun parang isang linggo na sa pakiramdam,at para akong preso na ginuguhitan yung dingding ng kwarto ko dahil naiinip na sa paglaya haysss,,,pilipinas kong mahal!
Tapos noon mga panahon na yun may hindi magandang nangyari sa kamay ko,pero kagagawan ko rin naman dala ng kalasingan,dinala sa ulo hindi sa tyan,nahiwa ng kutsilyo ang apat na daliri ng kamay ko at mabait parin ang Diyos tinirahan nya ako ng pang istram sa gitara,hintuturo,pero hindi naman putol daliri ko tinamaan lang yun tendon nila ayun di ko na maibaluktot yung tatlo,masakit man para sa akin at sa pamilya ko kailangan tanggapin sabi nga ''The Show must Go ON!''nakakapaggitara naman ako ngayon pero di katulad ng dati syempre masarap mag finger picking pag kumpletong gumagana ang lahat ng daliri,pero sa kabila ng lahat ng nangyari pasalamat padin sa Diyos na lumikha ng lahat.
alam kong mahal parin ako ng Diyos dahil sa nangyari na yun!

No comments:

Post a Comment