Thursday, April 20, 2017

Munting Pangarap

Noon pa man mahilig na ako sa musika,bata pa lang ako ng matuto ako tumugtog ng gitara,natatandaan ko pa noon na nang hihiram pa ako sa kapit bahay ko ng gitara dahil wala naman akong pambili kahit gustuhin ko.

Ang chords lang na alam ko noon apat marami siguro makakarelate sa apat na chords na yun para sa mga nagsisimula pa lang matuto kaway kaway kayo mga pre haha! yung (g,Em,kasunod ang C at d).
hanggang sa naisipan ko gumawa ng kanta noon habang nakatanaw ako sa lawa ng laguna  malapit kasi kame sa tabing lawa,tapos sinasabi ko sa sarili ko lagi na balang araw maririnig din ng mga tao itong mga ginagawa kong kanta naalala ko noon love song yung una kong nagawa na kanta syempre may inpirasyon sa iskul yang mga crush crush na yan dun ako nag umpisa.

             Ang dame ko nabuo noon tungkol sa lablayp na yan!
syempre may sawi,may ngiti,may luha at pighati!kahit laging basted kailangan padin ngumiti hahaha !
tapos yung nga hiniling ko naman kay Lord gusto masali sa banda,banda rito banda roon,unang sabak ko hawak ko gitara at mikropono uso pa piyukan noon hangang ngayon naman paminsan-minsan haha
ayun dun naisip pwede pala mangyari yung pangarap mo maliit sa umpisa syempre sa susunod dapat malaki na!itutuloy ko tong wento ko antok na ako eh....

No comments:

Post a Comment